Level-up na si Asec. Mocha

Dear Ate Mocha,

Sa wakas kalevel mo na si Senator Gordon, sa pagprotekta sa presidente. Pero hindi pa naman umaabot sa pagiging balahura si Senator Gordon. Hindi pa naman sya umaabot sa ganitong pagkabalahura.

Kung may nambababoy man sa bansa, ikaw po yun sa pamamagitan ng pagkalat ng fake news at mga di tamang impormasyon sa taong bayan.

At saka yan ba ang dapat na behavior ng isang government employee?  Daig pa ang sanggano? Sayang ang sweldo mo, wala ka namang ginagawa but to promote hatred and divisiveness.

Kahapon taong bayan ang humusga kung paano inabogado ni Dick Gordon para hindi maimbitahan si Polong Duterte. Tapos sinabayan niyo ng post na sasampalin mo si Trillanes. Sige nga, kung matapang ka, gawin mo nga?

At least may kasama ka na sa pagtahol everytime may pumupuna sa kamalian ng Poon mo. Oh di ba? Kalevel mo Senator na.

Umalis ka na pag Assistant Secretary kung ang pinagsisilbihan mo lang naman si Duterte, mag apply ka na lang bilang tsimay niya para sya lang magpasweldo sa yo, at hindi ang taong bayan. Mag ingat ka lang kasi inamin before ni President Digong na na ginapang niya katulong nila.

Yamot sa mga Balahura,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *