Letters to Presidential Electoral Tribunal

Dear KaPAB,

Patuloy nanggugulo si Bongbong Marcos sa pamamagitan ng kanyang mga trolls. Klaro pa sa sikat ng araw na talo siya sa election. Lahat na lang ng gimik at panggugulo ginagawa. Last week 21,000 na daw ang natapyas sa boto ni VP Leni, fake news po yan. Tapos may ilalabas na naman daw na nagtatrabaho sa Smartmatic na ilalabas, lahat ng gimik ginagawa.

As a citizen kailangan natin proteksyunan ang ating boto. Simplehan lang natin ang paliwanag sa 25% threshold na yan.

Noong 2010 election 50% threshold ng shading ang ginamit ng Comelec for election. Madaming hindi nacount noong time na yun. Para  mahonor ang karapatan ng mga tao sa pag boto 25% na ang ginamit sa 2016 election. May resolution yun at inamin na ng Comelec.

Ngayon ang hindi ko maintindihan, bakit pumapayag ang PET na ibalik ang 50% threshold noong 2010 eh hindi naman yun ang ginamit natin noong 2016.

Paano natin mapoprotektahan ang boto ni VP Leni Robredo?

1. Kailangan nating mag-ingay sa social media. Kalampagin natin ang Supreme Court na igrant ang motion na dapat 25% threshold ang masunod kasi yun naman ang tama. You can use the hashtag #RespectTheShades. Kasi dapat naman talaga nilang irespeto ang boto ng taong bayan.

2. Isa pang paraan ay puwede natin silang sulatan ang SC mismo. Ipaliwanag natin sa kanila ng mahinahon kung bakit kailangan nilang irespeto ang ating boto. Eto ang email ng Supreme Court, [email protected] , sumasagot sila.

Huwag nating hayaan mamayani ang kasinungalingan. Huwag nating hayaan bastusin ang boto ng taong bayan.

Ipaliwanag natin sa PET kung bakit kailangan nilang irespeto ang boses ng taong bayan.  Gamitin natin ang hashtag na #RespectTheShades or sulatan natin sila.

Tuloy Ang Laban Para sa Katotohanan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *