Let’s talk about Bill mga Bes!

Dear Asec. Mocha and DDS,

Since ang daming nag aaway nung naapprove ang Free Tertiary Tuition Bill, maraming mga taong mema, gaya ni Ate Mocha nagresearch po ako kung paano ginagawa ang bill.

1.

The proposed bill is signed by its author and filed with the Secretary of the either the Lower House (for congressmen) or the Senate (for senators). Depende kung saan manggaling ang original author.

2.

Dadaan ang bill sa tatlong reading . On the First Reading, the number and title of the bill is read, tapos irerefer sa appropriate committee for study.

3.

On the Second Reading, the bill is read in full along with amendments proposed by the committee who studied it.  Dito na magdedebate kung ano ang mga dapat baguhin at idagdag sa bill.  After extensive discussion, the bill will be voted on. If approved, it would go through a third reading.

4.

On Third Reading, the bill will be submitted for a final vote. If approved again, then ipapasa na sa other house. Kung galing sa Senate ang original bill, ipapasa sa House of Representatives and Vice Versa  The other House will go through the same process of having three readings.

5.

Pero kung house na nilipatan ay may mga amendment or pagbabagong gustong gawin at hindi nagustuhan ng House kung saan nanggaling ang bill, magkakaroon ng bicameral meeting ang upper at lower house para magkasundo kung kaninong version ang iaapprove.

6.

Once the bill is approved, it is transmitted to the President of the Philippines for signature. The President will have 30 days then either sign the bill to indicate approval, or veto the bill to indicate disapproval.  If approved, the bill officially becomes a law. Pag hindi napirmahan ng Presidente at lumagpas na ng 30 days ang bill ay magiging batas pa din.

7.

Pero kung ang president ay gamitin ang kanyang veto powers o tanggihan niya ang bill, the Congress may re-pass the vetoed bill if two-thirds of both Houses, voting separately, approve its enactment. In this case, the bill also officially becomes a law.

So ganito po ka mabusisi ang pagpasa ng batas. Kaya ang sinasabi ni Ate Mocha na hindi pinirmahan ni Pnoy ang FOI at Free Tertiary Education Bill, ay mali po yun,  kasi yung dalawang bill ay hindi naman nakaabot sa third and final reading at natransmit sa office of the President. So,  ano ang pipirmahan niyang bill?

Mahirap po kasi na basta lang tayo nagcocomment at nang-iintriga na hindi natin inaalam ang process.

I hope may natutunan kayo ngayon kay PAB. Lalo na kayo mga DDS at lalong lalo na si Ate Mocha.

Free lesson na po yan. You are welcome po. 😊

Medyo mabait sa mga trolls,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *