Let’s Get Ready To Rumble!

Dear KaPAB,

Mukhang may namumuong away sa pagitan ng mga bata ni GMA at ni bata ni Duterte.

Sabi ni Rep. Andaya, ito daw si Diokno ay nag-insert ng multi- billion pesos proposed budget para sa DPWH. At ang mga project na to daw ang nakakuha ay son-in-law ni Diokno.

Syempre deny si Diokno. Pero may bagong issue na naman.

 

Di umano eto si Secretary Diokno ay nag attempt na suhulan ang mga kongresista ng 40 million para tumahimik sa 75 billion na budget insertion.

Syempre pinabulaanan eto ni Secretary Diokno.

Ang daming pera no? Pinag-aawayan nila, pero buwis natin yan. Kuba na tayo dahil sa TRAIN ni Angara. Tapos sila nag-aaway ng milyones na kaperahan.

Sino ang mananalo sa dalawang ito? Team GMA or Team Dutz?

Pero sigurado ako kung sino ang talo, tayo, ang mamayang Pilipino.

 

Nakakaamoy ng Malalang Corruption,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *