Let Us Not Be the Same Monsters We Are Fighting Against

Dear KaPAB,

May gusto akong ikwento sa into. Alam ko most of us hate Aga Muhlach dahil sa sinabi niya sa GGV.

Mali naman talaga. Pero last night my hatred for this person got the best of me. I posted a spoiler of the movie.

To discourage moviegoers to watch his movie. A netizen called me out.

Narealize ko ang maling ginawa kaya I deleted the post and apologized right away.

Pero yung second tweet ni @anjpessumal ang nagparealize sa akin.

Tama siya, hindi lang si Aga at Bea ang pelikula. May mga scriptwriters, camera men, propsmen, mga make-up artists at marami pang iba na naghirap sa pelikula for one year. Hindi naman siguro sila pareho mag-isip ng lead stars nila.

To boycott the movie, hindi lang si Aga at si Bea ang masasaktan natin. Masasaktan din natin ang ibang naghirap sa pelikula. Mga ordinaryong workers sa movie industry na maaaring nahihirapan din sa taas ng bilihin. Kawawa naman sila kasi pati sila nadadamay sa pagiging insensitive ng lead stars nila. Ang alam ko pag ang movie malaki ang kita, may bonus ang mga staff.

Siguro what we can do is to educate Aga and Bea kung ano talaga ang nangyayari. Sila lang at para hindi madamay ang mga inosenteng tao.

I will not campaign to boycott the movie. If you think maganda and movie, go and watch it. Huwag niyo na lang isipin ang lead stars, isipin niyo na lang ang ibang staff na naghirap para gawin ang pelikula.

Let’s educate yung mga taong nagbubulag-bulagan gaya ni Aga and Bea. Huwag tayong maging toxic gaya ng ibang DDS.

Let us not be the same monsters we are fighting against.

Still a Work in Progress,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *