Lani Mercado: Inosente Ang Asawa Ko!

Dear Lani Mercado,

Hindi ka ba kinikilabutan habang sinasabi mo ito?

Maaaring napawalang sala ang asawa mo sa plunder pero sangkaterbang graft cases ang naghihintay sa kanya.

Gumamit ka pa ng batas na Article 100, mali naman.

Luh, pag guilty sa criminally liable automatic pati civil case. Pero may mga kaso, na criminally not guilty pero guilty sa kasong civil. Kasi nga pag criminal case, beyond reasonable doubt, pero pag civil case, preponderance of evidence or padamihan ng ebidensiya.

Bakit ayaw niyong isoli ang pera na napunta sa bank account Ng asawa mo, aber? Korte na ang nagsabi na isoli niyo yan.

Kita mo, Article 100 din ang ginamit ng decision. Ibig sabihin madaming ebidensiyang magpapatunay na napunta sa inyo ang pera.

Tubuan naman ng hiya, kahit konti. Pera ng bayan yan, huy.

 

Yamot sa Corrupt,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *