Around The World ni Mocha Uson

Dear Assec. Mocha Uson,

Wow nabasa ko ang travel niyo. 8 times in 10 months? Lakas niyo sa Presidente ha. Ang iba pinapatalsik pag travel ng travel.  Pero ikaw nakawalo ka? Aba matinde.

LONDON

Ang gastos ng bayan sa travel mo na to ay tumatanginting na P201,635.63. 

Anong pinagkakain niyo doon with Mocha Girls, ginto?  Luh, grabe sya oh.

NEW YORK

Ang gastos ng bayan dito ay tumatagingting na P250,157.04.

Wala ka namang ginawa kung hindi magselfie at mag interview ng mga kababayan natin ng mensahe nila. It is not even related kung ano pinunta mo doon and yet ganito kalaki ang gastos.

JAPAN

Ang gastos ng gobyerno dito ay P42,122.96. Hindi naman siguro coincidence na may show din doon ang Mocha Girls no? Karay karay mo sila lagi no? Hindi ka ba nahihiya na tinataon mo ang travel mo na gastos ng gobyerno sa show ng mga alaga mo?

CAMBODIA and CHINA

P69,623.80. Ganito kalaki pa din ang gastos kahit kasabay ka na sa eroplano ng Presidente ha. Anong expenses to food? Ginto ang pagkain teh?

RUSSIA

P45,910.13, sa lagay na to, na cut short pa ang visit dahil sa nangyari sa Marawi ha. Paano na lang kung hindi?

ITALY

Ang plane fare and accomodation mo dito ang gumastos ang DFA pero sa PCOO nanggaling ang allowance mo na P54,443.16.  

Wow, allowance lang na sobra singkwenta mil? Wala ka namang ginawa kung hindi mag interview ng mga DDS. Eto yung time na may hearing about sa yo. Yung fake news kung saan expert ka.

May Vietnam at India pa. Ang total na ginastos mo sa paglalakwatsa mo ay more or less 713,000.00 in 10 months. Luh, grabe sya oh.

Huy atiii, kung gusto mo lang naman palang travel ng travel nag stewardess ka na lang sana. Wala ka man lang accomplishment report sa bawat travel mo. Sabagay, mahirap naman ilagay doon kung paano magsayaw ang Mocha Girls di ba? Luging lugi ang bayan sa yo teh.

Yamot sa Lakwatserang Gastador,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *