Lahat Nagmahal Na, Ang Presidente Na Lang Ang Nagmumura

Dear KaPAB,

May mga produkto na namang pinangangambahang tumaas. Pati yung pang-almusal natin mukhang tataas din ang presyo.

Yung mga hotdog, tocino , longganisa at marami pang iba ay magtataas na rin.

Kung tataasan na naman nga naman ng tariff from 5% to 40%, wala namang choice ang mga negosyante but to increase the price of their products tapos ipapasa naman sa mga consumer. And yet Finance Secretary Dominguez ay pinagpipilitan pa din ang TRAIN 2.

 

 

Nagmamakaawa na ang taong bayan dahil sa taas ng bilihin. Sa TRAIN2 ang ang bayaran naman sa kuryente ang tataas.

 

 

Ang masaklap nito kahit na nasabihan na pala si Secretary Dominguez sa magiging epekto nito sa taong bayan, ayaw pa din magpapigil ang administrasyong Duterte.

Dahil sa increase sa buwis dulot ng TRAIN ni Duterte ganito ang istorya ng pagtaas ng presyo ng oil sa Pilipinas.

P11.80 ang tinaas ng diesel at P11.47 naman ang tinaas ng gasoline.  So Nagtataka pa ba tayo kung bakit tumaas ang mga bilihin?

Sana baliktad no? Yung presidente na lang sana ang nagmamahal ng totoo sa taong bayan at gawin niya ang trabaho niya para magmura ang mga bilihin. Sana palitan niya na din ang economic manager niya, simulan niya kay Dominguez, Diokno at Pernia. Kaya lang mukhang imposible.

Hay naku puro pahirap.

 

Yamot sa Incompetent,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *