Lahat Na Lang Sinisi ni Duterte

Dear President Duterte,

Scientist po ba kayo? Hilig niyo pa kasing mag-imbento. Ngayon ang sinisi niyo na naman si Donald Trump.

 

At least hindi na dilawan ang sinisi mo ngayon, orange na. šŸ¤£šŸ¤£šŸ¤£

Kidding aside, eto ang statement ng isang magaling na economist na si JC Punongbayan. Sana maintindihan mo.

Ibang level talaga pag ang fake news tungkol sa inflation galing mismo sa Presidente na wala namang alamā€”ni hinagapā€”tungkol sa economics.

Tulad ng sinabi ko sa latest article ko (https://goo.gl/wBfLiF), mas matimbang ang domestic factors sa pagtaas ng inflation, tulad ng kakulangan ng supply ng mga bilihin (bigas, gulay, etc), ang pagpalo ng excise taxes on petroleum dahil sa TRAIN, at ang kawalan ng tiwala ng tao sa gubyerno (lalo ang econ managers) na maawat ang inflation.

Kung mayroon mang impact ang US-China trade war, manggagaling ito sa higher costs of traded aluminum, iron, and steel. Pero maliit lang ang porsyento ng mga ito sa kabuoang exports at imports natin. Mas nakababahala kung bumagal ng ekonomiya ng US o China dahil sa trade war. Pero sa ngayon wala pa namang senyales na nangyari na ito.

Samakatuwid, nagkamali sa pamamalakad ng ekonomiya sina Duterte at ang kanyang economic managers sa mga nakalipas na buwan. Sa halip na manisi ng ibang tao o bansa sa sarili nating mga problema at pagkakamali, akuin na lang nila ang responsibilidad at pananagutan sa taumbayan na kanilang pinaglilingkuran. Ang tunay na lider ay hindi natatakot o nahihiyang gawin ito.

Kaya pleaseā€”PLEASEā€”sana marealize ng taumbayan na hindi basta-basta ang pagiging pinuno ng bansa. Di sapat na may magaling kang economic advisers. Dapat ikaw mismo bilang pinuno ay maalam sa economics at public policymaking.

Of course hindi assurance na pag magaling ka sa economics ay ok na ang lahat (look at GMA and Aquino’s terms). Pero sa tingin ko mas delikado pag ni clue tungkol sa economics ay wala ang presidente. Sa hinaharap, sana balikan natin ang panahon ni Duterte bilang warning (o cautionary tale) sa paghalal ng mga ganung klaseng lider.

At saka Mr. President, pakisabi kay Pernia na ayusin ang computation ng inflation rate. Initial computation pala is 6.6 pala, mas mataas. Nirecompute para bumaba.

Kaya ang nilabas 6.4. Naku wala naman sanang manipulation kasi kinagloloko niyo lang ang sarili niyo at ang taong bayan.

Try mo kayang baguhin ang mga economic managers mo. Palpak eh.

Yamot sa Imbentong Palaka,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *