Labanan ang Diktaturya, Pumunta sa Luneta

Dear KaPAB,

Naalala niyo po ba ang SONA 2018?

On September 21, muli magsasama-sama ang bawat Pilipino para ipaalala sa bayan kung paano binaboy ni Ferdinand Marcos ang bansa.  Hindi dapat tayo tumigil sa laban para sa ating demokrasya at kalayaan.

Muli nagkakaisa ang iba’t ibang sector, mula sa hanay ng kabataan,  manggagawa, mula sa simbahan,  magsasaka, environmentalists, artists, media workers at mga professionals para mag martsa para ipakita na hindi puwedeng makalimot ang bayan at handa muling lumaban para tutulan ang pang aapi na ginagawa ng kasalukuyang administrasyon.

Kung sa panahon ni Marcos 3,000 ang namatay at libo-libo ang pinahirapan, ngayon sa panahon ni Duterte halos umabot na sa 30,000 ang namamatay dahil sa drug war na yan, at milyong milyong Pilipino ang naghihirap dahil sa TRAIN ni Duterte. Ngayon na muling bumabalik si GMA sa kapangyarihan alalahanin din natin ang ZTE deal ang “I am sorry”. Huwag nating kalimutan ang sabwatang GMA-Duterte-China. Ipaabot natin sa kanila ang atin pagtutol sa bawat hakbang at sigaw natin bukas sa Luneta.

 

May takot man sa dibdib, pero patuloy na lalaban, magmamartsa ang bawat sector at sabay sabay na isisigaw ang #NeverForget #NeverAgain.

Bawat hakbang dito ay hakbang para sa Pilipino, para sa Bayan mo.

 

Makikilahok,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *