Kwentong Barbero na Naman si Duterte

Dear President Duterte,

Dumale na naman po kayo sa fake news. Dati si Trillanes gumawa kayo ng imbentong bank account. Tapos ngayon ang nanahimik na si Ms. Loida Lewis ginagawan niyo ng kwento. Anong ICC probe plotter na pinagsasabi?

Luh, grabe sya oh. Magkalinawan nga tayo, Mr. President.

Una, inutusan ka ba ni Ms. Lewis na sabihin to?

Galing sa bibig niyo ang pag uutos na pumatay nang pumatay. Anong kinalaman ni Ms Lewis doon aber?

Pangalawa si Ms. Lewis ba ang nagpapatay sa kanila?

Sino ba ang laging nag uutos na “Kill,kill, kill”? Hindi ba ikaw?

FYI, magiimbestiga ang ICC sa inyo kasi sa sobrang dami ng number of EJK. At walang kinlaman doon si Ms. Lewis.

Ayan po fake news ka. Nandadamay ka pa. Ang hindi fake news ay yung mga libo libong namatay sa tokhang. Yan ang kailangan niyo pong panagutan sa ICC.

Daming drama, may firing squad pang nalalaman. Bakit? Si Rizal ka? Luh ang layo kaya. Hindi naman bastos ang bibig ni Rizal eh, tse!

Naghihintay ng Hustisya,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *