Kung Hindi Sobra, Kulang

Dear ASEAN organizers,

Naiintindihan ko po na marami po kayong gawain kasi isa itong malaking  event. Hindi na namin hinihiling ang excellent na trabaho kahit yun ang deserve ng bawat Pilipino. Hihilingin na lang namin sana na tama ang mga gagawin niyo. Pero juicekolord, spelling na lang ng bansa natin, hindi niyo pa magawa ng tama. Resibo.

You spelled it as “Philppines“. Ilan lahat ang tarp na to all over Metro Manila? Nakakahiya di ba?

Kung kinukulang kayo ng “I”, eh di sana kinuha niyo na lang dito sa DDS tarp na sumobra naman ang “I”. Resibo.

Eto naman si Ate Mocha, sobra ang T. Ang writer, naging “writter” Resibo.

Puwera biro, ayusin niyo naman work niyo, nakatutok sa atin ang buong mundo. Kakaloka! Sarap niyong pasalihin lahat sa Spelling Bee, eh.

Natatawa at Nayayamot,

PAB

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *