Kundiman Party: A Review

Dear KaPAB,

Kagabi naimbitahan ako ni Sir Floy Quintos to watch Kundiman Party play.

To be honest, hindi talaga ako mahilig sa play, kaya hindi ko alam kung ano expectations ko.

Ang istorya ng play ay tumagos sa puso ko. Ito ay kwento ng pagkakaiba ng pakikibaka noon at ngayon.

Yung sa gitna ng kadiliman ng sitwasyon, naghahanap ng makakapitan ang bawat character ng istorya.

Tinalakay sa play ang iba’t ibang klase ng pakikibaka. Sa panahon ng Martial Law at sa kasalukuyan. Noon, salvage ang tawag sa mga pinapatay na mga Pilipino, ngayon EJK.

Tinalakay din sa play kung paano ginamit ang Kundiman sa pakikibaka sa panahon ng digital age.

Sa bawat pagpapalit ng scene mararamdaman mo ang pag-asa, takot, saya at sakit sa bawat character na nasa dula.

Yung nakakaantig na scene yung sa kabila ng takot na nararamdaman ng bawat isang character, mas nangibabaw pa din ang pagmamahal nila sa bayan.

Ang daming makakarelate sa kwentong ito.

Para sa mga Inang nawalan ng anak, pero patuloy na lumalaban sa buhay, para sa yo ang kwentong ito.

Para sa mga nakikibaka para sa katotohanan, katarungan at kapayapaan, na kahit nakakaranas ng harassment ay patuloy pa din naglalakad sa kalsada, para sa inyo ang kwentong ito.

Para sa mga may edad na nakipaglaban noong Martial Law na lumalaban pa din hanggang ngayon, para sa inyo ang kwentong ito.

Para sa mga millenials, na gustong magsalita at punahin ang mali ng gobyerno pero natatakot, para sa inyo ang kwentong ito.

Para sa mga lumalaban para sa bayan, pero unti unti ng nawawalan ng pag-asa, panoorin niyo to para bumalik ang lakas sa puso niyo.

Kwento ng pagmamahal, ng Ina, Anak at Kapatid. Pagmamahal nila para sa bayan. Hindi sya drama, pero naiyak ako. Tumagos sa puso ko.

Anuman kulay mo, dilaw, pula, itim at puti, basta mahal mo ang bayan mo, para sa yo ang kwentong to.

Lalo kong minahal ang bayang Pilipinas pagkatapos kong napanood ito.

Nainspire ng Sobra,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *