Kumita Na Sa Ads, Producer Pa?

Dear Secretary Wanda Teo,

Napanood ko po yung interview niyo explaining your side sa P60,000,000 na kontrata ng Bitag Multimedia sa DOT. Sabi niyo po, hindi niyo alam. At nagulat ka pa kamo.

Sige halimbawa ngang hindi mo alam, pero sa sunod mo na interview iba naman po ang sinabi niyo.

So all along alam niyo pala. Kung talagang seryoso kayo sa malinis na pamamahala madali niyo sanang macancel kasi nga CONFLICT OF INTEREST. Bakit hindi niyo ginawa?

Anyway, someone messaged me na ang Bitag pala ay producer din sa mga show niyo sa DOT? Pinadala ang mga sumusunod na resibo.

Hindi lang ito ha. Meron pa. Producer sila ng show, kelan pa? 

Siguro kailangan niyong magpaliwanag uli no? Here is another one.

Kung ang Bitag Multimedia ang nag produce ng mga show ng DOT, dumaan ba to sa tamang procurement process?

Isipin niyo po, if totoo yung nagmessage sa akin na Bitag Multimedia din ang gumagawa ng show, tapos binabayaranng  ng DOT ang paggawa, tapos babayaran uli natin sila para ilagay ang ads sa blocktimer show nila?

Hindi kaya sobrang conflict of interest na yun. Double whammy sa pera ng bayan yun?

Paki explain po uli ha. Yung sa totoo lang. Hmp!

Nakakaamoy ng Malansa,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *