Kris Aquino In Hollywood!

Dear KaPAB,

Good vibes na naman tayo. Alam niyo naman siguro that Kris Aquino ay isa sa mga cast sa Crazy Rich Asians movie.

Naalala ko pa noon kung paano siya minaliit ng ilang mga tao kasi daw maliit lang naman ang part niya sa movie. Hindi nila alam kung gaano kahirap makakuha ng role sa Hollywood. Sa kabila ng mga panlalait Kris Aquino did not defend herself. Tumahimik na lang siya, nagpakumbaba. Then she got the invitation sa red carpet showing ng Crazy Rich Asians.

Sa USA, sa teen vogue, pinag-usapan na kung gaano kaimportante role niya.

And even the famous Curtis Chin, pinag-usapan sya sa interview niya with Kevin Kwan.

Nakakaproud lang when they recognized kung gaano kaimportante ang role ni Kris Aquino sa pelikula.

She was also featured sa isang sikat na blog. She’s the most influential entertainment blogger in Canada.

https://www.laineygossip.com/emotionally-anticipating-hollywood-premiere-of-crazy-rich-asians-tonight-and-intro-for-august-7-2018/50536

Today red carpet showing ng movie and pinatunayan ni Kris Aquino why she is called Queen, not only she looks like one but also acts like a Queen.

 

The way she walks, and carry the gown by Michael Leyva, also a Filipino designer, sobrang nakakaproud. Madaming talented na mga Pinoy na bumibida ngayon sa Hollywood, stars like Kris Aquino at designer like Michael Leyva. Nandoon din si Nico Santos. He has a big role. He plays (the poorer) cousin to the rich main character cousins of Nick, Astrid and Eddie. His character appears in all three books written by Kevin Kwan. He plays Oliver T’sien. Ang galing di ba?

And what really makes Kris Aquino a Queen? This video.

Yung pagbaba niya, at tumawid pa siya sa kabila para batiin ang kanyang mga Filipino fans ay nagpapatunay na talagang mahal niya ang kanyang mga taga-hanga. And the way she answers sa mga reporters doon, sobrang galing.

Love her or hate her, pero yung pagrepresent niya sa atin sa Hollywood is really something to be proud of.

Let us support Crazy Rich Asians! One of our own stars in the movie. Let us watch and be proud.

Proud Filipino Blogger,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *