Kontrabidang Tanga

Dear Ate Alantroy,

May diperensya po ba kayo pag nagbabasa? Or sa comprehension kaya?  Kasi po napapansin ko na laging selective kayo pag nagbabasa OR pag umiintindi.

Nakita ko tong post mo, tinira mo na naman si Senator Bam.

Sagutin kita ha, para maliwanag.

First, ang tinutukoy ni Senator Bam ay laban sa fake news at website  na madalas na  pinapakalat all over the internet ng mga netizens. Lalo na ang majority sa political marketer at DDS.

Now, ang tinutukoy mong batas sa revise penal code, that belongs to crime against public order. Nagtake effect ang Revise Penal Code, January 1, 1932. Sa tingin mo uso na ang internet at Facebook sa panahong yun? Wala pa di ba?  So malamang ang tinutukoy sa batas na “publication” ay yung parang sa dyaryo kung paano pinapublished ng panahong yun. At sabi nga sa last part mapaparusahan lamang kung ang false news daw will endanger public order or will cause damage  to the interest  or credit of the state. 

In other words yung law is very limited. Paano naman kung ang fake news na pinapakalat is against a person, like yung pinakalat ni Aguirre at mga ka DDS mo laban kay Senator Bam? Ibig sabihin hindi sya covered sa batas na sinasabi mo, so kung may IGNORANTE  man dito, IKAW po yun.

Ang batas ay kailangan sumasabay sa pagtakbo ng panahon.  So Senator Bam is right na suportahan ang panukala ni Senator Villanueva. Sabi pa nga ni Senator Bam, hindi lang ito problema ng Pinas, problema din ito ng buong mundo. Countries like France are strengthening their fact checking capabilities while Germany has passed legislation to regulate social media.

Teka nga, bakit ba apektado po kayo masyado kung lalabanan ang pagkalat ng fake news? Dapat nga maging masaya ka, kasi magandang values na at totoo na ang mababasa mo,  unless kung sa fake news ka kumikita, apektado ka nga.

At saka bakit si Senator Bam lang ang tinitira mo? E di ba si Senator Joel ang may panukala. Kumbaga sa pelikula supporting actor lang si Senator Bam. Ang bida si Senator Joel,  at ikaw ang  TANGANG KONTRABIDA sa barilan scene, na nagsasayang ng bala, wala namang tinatamaan. Yung puro kabobohan na linya ang binibigay ng director? Very apt na description sa yo yun.

Sa susunod bago ka manlait ng tao at sabihan ito ng ignorante, magbasa ka muna ng batas and it’s origin.

Scholar ka ba talaga?  Hindi halata.

Yamot sa Tanga,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *