Killer po pala kayo, Mr. President

Dear President Duterte,

Hindi ko sukat akalain na ang binoto pala ng 16 million na DDS ay isang MURDERER. Resibo.

Grabe sa tingin lang kumikitil kayo ng buhay. Paano po kayo nakakatulog sa gabi sa mga kasalanan na ginawa niyo?

Tapos dinamay niyo na naman po si Former US President Obama. Resibo.

Luh, grabe sya oh, kung makapintas para namang kagwapuhan. Resibo.

Ang dami niyo kayang pores. Ang racist niyo pa, hindi naman kayo tisoy. Wag ganun, kasi ang mga pintasero daw, nagkakabaku baku ang mukha (kaya pala). Sige ka, baka yang pores mo maging crater na.

Kidding aside, sana po mabigyan ng katarungan ang mga pinatay niyo, hindi man dito sa lupa, sana sa langit na lang.

Pagsundo po sa inyo ni kamatayan, dun nila makukuha ang hustisya na pinagkait sa kanila lupa.

Maghihintay ng Mabilisang Hustisya,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *