Kilalanin Ang Mga Kandidatong Patawa Ni Duterte

Dear KaPAB,

Kagabi sinabi na ni Duterte kung sino ang mga eendorso niya. Isa-isahin natin.

Pia Cayetano

Eto yung feminist daw siya pero walang imik sa pambabastos ni Duterte sa kababaihan. Yung Cayetano, Quietano pagdating sa kabastusan.

Cynthia Villar

 

Yung Senador na pati unlirice pinapakialaman. At nag photo-ops sa isang palayan na naka semiformal attire. Yung ginagawang residential lang ang agricultural land.

Bong Go

 

Yung pambansang photobomber ang tawag sa kanya. Yung ang layo pa ng election nakabalandra na ang pagmumukha sa bawat sulok ng Pilipinas. Epal King.

Francis Tolentino

Eto yung nagdala ng mga twerking dancer noong last election kaya tinanggal sa Liberal Party. Binatikos nila Mocha at ibang DDS bloggers, pero nang tinanggap ni Duterte, wala na silang imik sa kabastusan dati.

 

Sonny Angara

 

Ang may dala ng TRAIN na siyang dahilan kung bakit hirap tayo ngayon sa pagtaas ng bilihin.

Imee Marcos

Ang anak ng diktador na napag alaman ng COA na peke ang mga supporting documents sa mga proyekto sa kanyang probinsya. At fake din ang kanyang Princeton degree. Sinungaling na, sangkot pa sa corruption.

Ronald Bato

 

Ang Tokhang enabler. Yung Ultimo yes or no na sagot sa debate ay nangongopya pa.

 

Freddie Aguilar

 

Ang singer na pumatol sa menor de edad noon. Gumawa ng kanta para kay Duterte noong panahon ng kampanya. Dapat daw nating iboto kasi may mensahe daw ang kanta.

Luh, kung ganoon lang naman ang dahilan kasi maganda ang mensahe ng kanta, sana kumandidato na lang ang Maskulado. Sikat din naman ang kanta nila di ba? May message din naman. Panoorin niyo. 😂😂😂

Sabi ni Duterte pumili daw tayo ng suited sa gobyerno. 

 

 

So itong nasa listahan niya, eto ang mga taong HINDI dapat piliin. Walang malasakit sa bayan eh.

 

Yamot sa mga Pahirap sa Bayan,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *