Pilipinas Kaya pa ba?

Dear Pilipinas,

Hindi na kita nakikilala. Kaliwat kanan ang patayan. Wala nang pagpapahalaga sa buhay ng tao. Sa bawat buhay nawawala nagbubunyi ang ibang DDS supporters. Si Kian pinatay ng walang awa, pinalabas na nanlaban. Tinawag na addict ng mga propagandista ni Duterte. Siniraan ng mga trolls na DDS. Binalahura ang alaala.

Si Carl, isang valedictorian, UP student, pinalabas na holdaper, pero ayun as autopsy nakaranas muna ng pagtorture bago pinatay ng nakaluhod.

At ngayon ang 14 years old na kasama ni Carl natagpuan na ang bangkay ng nang 14 years old na kasama ni Carl. Si Reynaldo de Guzman. Sinaksak ng 30 beses.  Mga hayup lang ang puwedeng gumawa niyan.

14 years old, walang kalaban laban na pinatay. Mga demonyo ang may gawa nito.

13,000 deaths na ang naitatala.  Halos puwede nang pumuno ng Araneta Coliseum.

Paano kung ang mahal mo na sa buhay ang sumunod?

Kaya pa ba, bayan ko? 

Nalulungkot sa Nangyayari sa Bansa ko,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *