Kay Wigguire, Hindi lang Buhok ang Peke

Dear Secretary Abella,

Gusto ko pong icongratulate kayo at nanindigan kayo laban sa fake news.  Tama po kayo, dapat talagang labanan natin ang fake news.  Sa kay Mocha at Andanar palang I’m sure magiging busy na po kayo, samahan pa ng ilang propagandists, sakit sa ulo po talaga.

Pero may kailangan po kayong idagdag sa listahan niyo, ang kapitag-pitagan no secretary ng Department of Justice. Mahilig din po sa fake news. This is not the first time na nagshare sya ng fake news. Eto po ang ebidensya.

Ang blog site na po na yan ay kasama sa listahan ng fake news.

Hindi ko po alam kung binabasa niya po yan or sadyang mahina din ang comprehension ni Secretary Aguirre or baka walang discernment or baka nakahiligan niya na ang fake news.

Kung matutuloy ang panukala ni Senator Joel Villanueva, maraming  makukulong sa gabinete.

Secretary Abella,  wala na po si Senator Miriam para magsermon diyan kay Aguirre, puwede po ba, pakisapak ng slight para matauhan? Nakakahiya na po kasi.

Kung nakakalagas ang fake news, malamang kalbo na yan si Aguirre.

Tama nga ang kasabihan, “how you campaigned is how you governed”.

Nagsimula sa fake news, nanalo dahil sa fake news, namamahala sa gamit ang fake news.

Galit sa Peke,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *