Kawawang Boracay

Dear President Duterte,

Sobra ang ginawa niyo sa Boracay. Tinanggalan niyo na sila ng kabuhayan ngayon may maitim na naman kayong plano for them.

Nagtataka ang mga tao dati bakit gusto niyong iland reform ang Boracay. Eto pala plano niyo for them?

Sobrang sama niyo po. Tinanggalan niyo sila ng kabuhayan for 6 months, ginutom ang pamilya nila. Tapos sa kawalan nila ng pag-asa, kunwari land reform at ibibigay niyo sa kanila and since gutom na ang sikmura, wala silang choice kung hindi ibenta ang lupa sa malalaking company para lang mabuhay.

Grabe po ang kasamaan niyo. Pinagsamantalahan niyo ang kanilang paghihirap para lang sa casino ng mga kaibigan niyong oligarch.

Abutan sana kayo ng karma!

Yamot sa Malupit na Presidente,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *