Kawawa Naman ang mga Teacher

Dear Teachers,

Nalungkot ako sa nabasa ko. Hindi pala priority ng gobyerno ang pagtaas sa inyong sweldo.

Mas inuna ang pagtaas ng sweldo ni Bato.

Baka dahil lagi na lang siyang naiyak?

Dapat nga po kayo ang priority kasi kayo ang laging maraming trabaho at kayo ang humuhubog sa mga kabataan para maging mabuting tao.

Alam ko po ang iba sa inyo tag 40-50 na estudyante ang hinahawakan sa isang subject, kaya dapat lang po sana na doblehin ang sweldo niyo.

Kung dinoble ng presidente ang sweldo ng mga pulis despite the fact na ang iba sa kanila ay kumikitil ng buhay sa tokhang, nararapat lamang na doblehin ang sweldo ng mga guro na humuhubog ng kabataan para magkaroon ng magandang buhay.

Mas gugustuhin ko pang mapunta sa inyo ang buwis kaysa mapunta sa mga trolls na gaya ni Mocha na  fake news lang ang dala. At dinamay pa si Notradamus sa kasinungalingan. Resibo.

Sana marealize ni Duterte ang importansya ng mga guro.

Sumasaludo sa mga Teachers,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *