Kawawa na Naman ang Buwis ni Juan

Dear Secretary Cayetano,

Kahapon po nainterview po kayo. At nalaman namin na pondo pala ng bayan ang nagastos ng biyaheng New York ng mga bloggers. Resibo.

Ang reason niyo kasi sabi mo walang magcocover na media sa inyo. Just for the record, hindi ba bitbit niyo ang sangkaterbang staff ng government channel na RTVM4? Resibo.

I am sure each one of them ay may pamasahe at allowance na galing din sa pondo ng bayan. So kung nandiyan ang staff ng government station why do you need bloggers to cover for you?

Kung coverage lang naman ang pag uusapan, your speech po ay nacover ng RTVM.

At saka major news outlets in the Philippines and around the world covered his speech at the UN, where you defended President Rodrigo Duterte’s bloody anti-drug campaign.

Kaya nga po nalaman namin na you bloated the figures di ba? Dinagdagan mo ang number of addicts para majustify ang drug war ng poon mo? Resibo.

Isa pang jusitification mo for hiring a blogger is madami silang followers. Resibo.

Aba, kung padamihan lang naman ng followers, eh di si Angel Locsin or si Anne Curtis na lang sana ang kinuha mo.

All I am saying, ang daming proyekto na kailangan pondohan, nagsisikap si “Juan” araw-araw para makabayad ng buwis, tapos kung makagastos kayo ng pera ng bayan, walang pakundangan. Huy, hindi niyo pera yan. Magmalasakit naman kayo kahit konti.

Ok lang sana kung matinong news ang binibigay, minsan fake news pa at black propaganda.

Wag po kayong waldas, nakakalagas daw yan ng buhok, lalo na sa, may bangs.

Yamot sa Waldas na ang Noo ay Pwedeng Airport,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *