Katrayduran ng Administrasyong Duterte

Dear President Duterte,

Hindi ko alam kung presidente kayo ng China o Pilipinas. Lahat na lang ng panggigipit sa atin ng China ay pinapalampas niyo. Yung teritoryo natin ay nilalagyan ng ng missile. Hindi pa rin kayo umiimik.

Ayon kay Cong. Gary Alejano sobrang lapit lang.

Paano umabot sa puntong ganito? Yung DFA niyo walang kwenta, sipsip din sa China. Yung Spokesperson niyo nagpropose agad nang joint exploration, hindi ba katrayduran yan?

At grabe mukhang makakalimutin na kayo, epekto na siguro yan ng katandaan no? Ayaw ko naman sabihing fake news kayo. Sabi niyo kasi ganito.

Luh, grabe sya. Bakit naman pupuntahan ni PNoy ang China eh di ba lumabas ang decision noong International Tribunal ay noong July 12, 2016? Kayo na ang presidente noon di ba? Tanungin mo ngayon ang sarili mo kung bakit hindi mo pinuntahan at sinita? Bakit nga ba?

A. Hindi nakahanap ng jetski.

B. Nakahanap ng jetski pero walang gasolina.

C. Inuto lang ang 16 milyon na bumuto.

D. Takot sa China

E. Sipsip sa China

Pili po kayo ng sagot. Puwede po multiple answer.

Kung simpleng date nang pagkapanalo natin sa laban sa China hindi niyo maalala, aasa pa ba kami na maipaglalaban mo kami sa pananakop nila?

Walang kwentang tapang niyo kung pagdating sa China, duwag kayo.

May Ulyaning Presidente,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *