Karen Davila is on Fire!

Dear Karen Davila,

Salamat po for speaking up now. Isa niyo po akong taga hanga before kaya lang naturn off ako when you start defending Duterte in your show. Lalo na yung tweet niyo na parang kinikilig kayo sa Viber sticker ni Duterte.  I stopped following you na. But these last few days you are singing different tune. Bumalik na ang dating Karen na matapang at walang kinikilingan. Nang sinabi niyo to sa show niyo sa DZMM (video above) 

“Ang sino matamaan, wala akong kinakampihan. Ang sinabi is you have to hold the first family and highly standard. Babaguhin ko po. Kung kayo at First Family, kayo ay nasa gobyerno, dapat you are beyond reproach. Anong ibig sabihin? Walang duda sa inyo, walang duda sa pagkatao niyo, walang duda sa kredibilidad niyo. Ito lang sasabihin ko, kung totoo na walang kinalaman si Paolo Duterte, Vice Mayor siya, binanggit ang pangalan niyo sa Senado. Eto’ng tanong ko, Vice Mayor Paolo Duterte, hindi ako galit ha? This is not personal, ba’t di kayo pumunta sa Senado. Ang pangalan niyo ay binabanggit ng isang testigo. Tapusin ko lang ha? This is very important to me. Ang pangalan niyo binabanggit ng isang testigo, si Atty.Mans Carpio na asawa ni Sarah Duterte. Oh eto, nakita ko, he criticize Antonio Trillanes sa Facebook. Di ko siya kinakampihan si ano ah, si Trillanes. Ba’t di mo ipaliwanag sa Senado. Ang point ko, eto lang, Bakit kung sinong ordinaryong indibidwal kailangan pong sumipot sa Senado? Bakit po kayo hindi pwede? Ay sorry, Vice Mayor, that you are elected official, am I correct? What’s spares away you and not everybody else? Kung si ka, oh Eto kung si Karen Davila binanggit sa senado partner, are you telling me makakalusot ako sa senado? Are you telling me makakalusot ako sa Senado at di ako sisipot at dedepensahan ako ni Senator Gordon at sa sabihin niya, ‘ eh binanggit mo lang si Karen Davila anong basis mo?’ Hello? Sinubpoena na ako nun! Eto lang tanong ko, you are a public official hindi po ito personal. Vice Mayor Paolo Duterte, it is your responsibility in fact to clarify your name, to clean it! Binabanggit kayo ng isang testigo under oath, under oath sa Senado. At eto namang mga Senador. Eto po’ng tanong ko, kahit elected official po o ordinaryong tao, pantay pantay kami. Hindi po porke miyembro ng First Family, hindi niyo ipapatawag. Yan po ang opinyon ng isang tax payer na tulad ko. Sana po patas po. Ipatawag niyo lahat ng binabanggit under oath sa Senado. Walang takot yan.” 

Narealize ko na baka God touched your heart na, hindi na kasi puwedeng fence sitters na media sa panahong ito. Kinakatay na ang mga kababayan natin. Ang mga taong katulad niyo po na malawak ang influence needs to speak up.

Prepare lang po kayo sa atake ng mga trolls. Alam ko po na kaya niyo yan. Wonder Karen kayo eh. As long as nasa panig ka ng katotohanan at katarungan, you will always be in God’s protection.

Ang Nagbabalik mong Fan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *