Karamihan Sa Pinoy Ayaw Sa Kawalan Ng Action Ni Duterte Sa Ginagawa Ng China

Dear President Duterte,

Ngayon lumabas na ang Survey na 84% ng mga Pilipino ayaw sa kaduwagan mo pagdating sa China.

 

 

Ang saklap di ba? Lumabas ang survey sa araw mismo ng pagdalaw ni Winnie the Pooh, a.k.a. Xi Jinping.

Bago kayo pumirma sa anumang kasunduan, sana isipin niyo na kinukuha na sa atin ang teritoryo natin.

 

 

Hindi ba ang kapal lang? Pero aasa pa ba kaming ipagtatanggol mo ang teritoryo natin? Eh halos ilubog mo na ang bansa sa utang. Ang masaklap kasi ang gumawa pa ng kontrata ay ang China. Nagkakahalaga ito ng $24, 000,000,000.00 na para sa “BUILD, BUILD, BUILD” na yan.

 

 

Dagdag lang ito sa utang ng bansa. Hindi pa nga tayo bayad sa utang na iniwan ng mga Marcos, idadagdag pa ito. Sino ang papasan? Ang panibagong TRAIN 2 and 3? Tao ang magpapasan nang pagtaas ng presyo ng mga bilihin para lang may maibayad sa uutangin mo.

Sa ngayon, milyon na ang mga Chinese na nakatira sa bansa. Ang taas ng unemployment rate. Kasama sa agreement na pipirmahan niyo na mga laborers na galing China ang magtatrabaho sa mga proyekto na gagawin. Kulang na ang mga trabaho para sa mga Pilipino, makikipag agawan pa sila sa mga galing China.

Maawa naman kayo. Pinagloloko niyo ang mga tao. May pajetski-jetski pa kayong nalalaman. Tse!

Pag hindi natin kayang bayaran yan, ano ang kapalit? Teritoryo natin? Ang ibang bansa, umuutang muna bago magbayad, pero ikaw parang nagbayad ka muna bago ka umutang. Eto oh.

 

 

Kulang na lang na lagyan mo ng ribbon ang teritoryo natin at tuluyan ibigay sa China.

 

Yamot sa mga Duwag na Manloloko,

PAB

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *