Kapos Man sa Pondo, Mayaman Naman sa Puso At Prinsipyo

Dear Pilo,

Two years ago sa bahay nila Agot, kinumbinsi ka namin tumakbo. Alam kasi namin na kailangan ng bansa ang isang katulad mo.

 

Hesitant ka pa noon kasi nga wala ka namang pondo. Isang ordinaryong mamamayan ka lang na nagmamahal sa bayan. Magkaibigan palang kayo ni Agot noon. Crush mo palang siya.

Naka ilang open letter din ako sa yo, at alam ko maraming supporters din ang nagkumbinsi sa iyo na tumakbo. Sa huli, mas nanaig ang pagkakataon na mag silbi sa bayan.

Mula sa campaign materials hanggang sa mga staff ng campaign mo, umikot lahat sa donor at volunteers.

 

May mga naghahatid ng tinapay, ang iba nagpapagawa ng posters and stickers. Yung iba naglilibot sa buong Pilipinas para ipakilala ka, gaya ni Zena Bernardo.

 

Totoo ang sabi nila, mahirap kumandidato ng limitado ang pondo, kahit gaano ka pa man karapat-dapat.

Sa Otso Diretso bukod tangi ikaw lang ang walang TV Ads . Masyadong mahal kasi. Wala kang pera. Kaya ang mga netizen na lang ang nagshishare ng iyong mga video.

Mabuti na lang nandiyan si Agot at ang iba mo pang supporters.

 

Hindi sila bumibitaw kasi alam nila na karapat-dapat kang ilagay sa Senado.

Anuman ang maging resulta sa Lunes, hayaan mong magpasalamat kami sa iyo. Salamat sa paglaban kung ano ang tama. Salamat sa pagtatanggol sa aming karapatan. Salamat sa pagbibigay ng inspirasyon sa aming mga volunteers.

Naniniwala ako na sa Lunes, makikita nila ang kahalagahan ni Pilo. Makikita nila na kailangan Ng bayan ang isang tulad mo. Dahil may Pilo sa bawat Pilipino.

Pinagmamalaki ko maging isang supporter mo.

Proud Supporter Ni Pilo,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *