Kapit-bisig Laban Sa Fake News ang Calbayog City

Dear KaPAB,

Panibagong grupo na naman po ang nagkaroon ng workshop para malabanan ang fake news.

This time pumunta ang Fact Check PH sa Calbayog City. Dito naman ang kapartner namin ay mga cultural artist. Ang grupong ENTABLADO.

Nakakatuwa lang kasi hindi pinag usapan ang kulay doon. Bagkus nagkaisa sila na kahit anuman ang kulay mo  dapat kalaban ka ng fake news.

Nagkaroon ng 120+ participants. Teachers, Students, mga madre at mga SK Chairman.

Sobrang active ang mga participants. Ayaw na din ng Waray ng fake news at kasinungalingan. Napahamak na din pala sila before ng fake news, kasi noon may nagpakalat na may tsunami na darating sa city. Nagpanic ang mga tao, nagtakbuhan, maraming nasaktan at nanakawan kasi iniwan nila ang bahay nilang nakabukas. Kaya naman siguro sa pamumuno ng ENTABLADO naimbitahan kami para mag workshop doon.

Tinuruan namin sila kung paano maiidentify ang fake news at kung paano labanan ito. Nakakatuwa na pagdating sa planning kung paano nila itatransfer ang kanilang natutunan ay meron silang mga konkretong plano.

Nakakaproud na ang mga kapwa ko Waray ay kasama na natin sa paglaban sa fake news.

Sa laban against fake news, lahat tayo panalo.  Kasi ang katotohanan at bayan ang pinaglalaban natin dito.  Next stop po namin Cebu, Tuguegarao, Sorsogon at marami pang iba.

Kung gusto niyo pong magkaroon ng ganitong workshop sa inyong lugar message us lang po. You can message me directly or sa Fact Check Philippines page.

Kapit-kamay tayo sa laban na ito. Para sa bayan, para sa kinabukasan at para sa katotohanan.

Patuloy na Lalaban,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *