Kapalpakan ng Gobyerno, Bayan ang Magsasakripisyo

Dear LTFRB Chairman Atty. Martin Delgra III,

Hindi ko po alam how you solve commuter problems in your office. Pero this latest stint na ginawa niyo with Uber, ay hindi nakakatulong po.

Sabi ni President Duterte, kumuha daw sya ng mga the best and the brightest, so by stopping Uber and Grab to operate sa July 26, paano po naging bright idea yun, aber?

Nakakainis lang kasi pinayagan niyo silang mag operate habang ginagawa niyo pa ang guidelines, yung ride sharing,  tapos ngayon papatigilin niyo ang mga walang permit, samantala ang reason kung bakit wala, kasi ayaw niyong bigyan. Sir naman, problema na nga ang MRT at traffic pati ba naman ang Uber at Grab idadamay niyo pa?

Naranasan niyo na bang maghintay ng taxi ng tatlong oras tapos lahat ng dumaan tinatanggihan kayo?

Naranasan niyo na bang maghintay sa ulan at may lalapit sa yo na taxi driver kokontratahin kayo triple pa sa dapat na bayad niyo?

Naranasan mo bang ipaikot-ikot ka ng taxi driver para lumaki ang metro mo?

Naranasan mo na bang makasakay sa taxi driver na may pampahilo at paggising mo, either nagahasa ka or natangay na mga gamit mo?

Naranasan mo na bang,  magtipid sa pamasahe kaya nakishare a ride ka na lang or uber pool  para makarating ka sa trabaho on time?

All these problems I have mentioned ay nasolusyunan ng Uber at Grab. Pero sa di ko maintindihang plano niyo po, bakit kailangan niyo silang patigilin. Kayo ang nagkulang kasi ang bagal niyong gumawa ng guidelines para sa kanila. Kapalpakan niyo, taong bayan ang magsasakripisyo?  Wow ha. Hiyang hiya naman kami sa buwis na binabayad namin, para may pangsweldo sa inyo.

Sabi niyo para fair sa lahat.  Wow ha, big word!  Sa tingin niyo po fair sa mga commuters ang gagawin niyo? Ngayon palang nga na may Uber at Grab pa, hirap pa din makahanap ng sasakyan how much more kung papatigilin niyo sila? Ni wala kayong inihain na alternative na solution.

Ilang call center agent ang maaaring mapahamak sa ibang taxi driver sa pagpasok nila?

Ilang babae ang puwedeng magahasa kasi hindi monitored ang sinakyan nila gaya ng Uber at Grab?

Ilang ina ang malilate pag uwi dahil paulit ulit na tinatanggihan ng mga taxi driver?

Grabe kayo, hindi man lang nag iisip bago nagdesisyon!

At saka this Uber and Grab drivers ay naghahanap buhay ng matino at in a way nakakatulong na rin sa mga commuters.

You failed to make a guidelines for them, ayaw niyo silang isyuhan ng permit, so sino ang magaadjust?  Tax payers na naman?  Luh sya, kapalpakan ng opisina niya, tapos ang sakripisyo sa amin.

Halos lahat na nga ahensya ng gobyernong Duterte palpak na nga, sumabay pa kayo.

Yamot sa Palpak,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *