Kambal sa Kakapalan

Dear Bongbong Marcos,

Pareho talaga kayo ng kapatid mo no? After humirit ng “move-on” na linya si Imee ikaw naman ang humirit ng ganito.

Oo 35 years ago nangyari, pero hanggang ngayon binabayaran pa din namin ang kinurakot ng pamilya mo.

Babayaran namin hanggang 2025 samantala kayo at sampu ng pamilya mo nagpapakasasa sa perang ninakaw ng ama mo sa bayan.

Tinatanong mo kami kung ano gusto namin? Humingi kayo ng tawad sa taong bayan. Ibalik niyo ang pera namin. Mabigyan ng hustisya ang lahat ng namatay sa Martial Law. At hukayin ang ama mong magnanakaw kasi hindi siya karapat-dapat sa Libingan ng mga Bayani.

At sabi mo handa ka maging Presidente? Nyek hahahahaha! Talo ka nga bilang Vice President eh. Kahit nga umiyak pa kili-kili mo, talo ka!

Ambisyosong Palaka! Magsama kayo ng kapatid mong ubod ng yabang.

Yamot sa Magnanakaw,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *