Kalagayan ng mga Taga-Boracay

Dear President Duterte,

Kahapon sinara na ang Boracay, libo-libo ang nawalan ng trabaho. Sa dami na pinadalang sundalo, parang may giyera sa Boracay.

Eto ang kanilang drill. As if naman lalaban ang mga taong tinanggalan niyo ng hanap-buhay.

Tapos may paganito pa kayo na nililinis niyo ang mga lumot.

You are wasting your time, kasi the next day nag-aappear din yan. Sabi nga ng isang netizen

“Ask any Boracaynon, as mysteriously as the algae appears they disappear as soon as the temperature of the waters are stably warm.”

Pero sa lahat nang nangyayaring ito, ang pinaka kawawa ay ang mga tao doon.

Oo nga plano ang DOLE magbigay ng trabaho, 320 a day, pero sa loob lamang ng isang buwan.

Anim na buwan niyong tatanggalan sila ng hanapbuhay, remember? After ng isang buwan, san na po sila kukuha ng pangkain nila sa araw-araw?

Yan ang hirap pag walang masterplan, yung bara-barang decision. Sabi mo ilalandreform mo ang Boracay? Eh bakit ang partner ng Galaxy ay bumibili pa din ng lupa?

Sino po ba ang nagsisinungaling? Hindi po ba kayo naaawa sa mga pamilya nila?

Siguraduhin niyo lang po na sa kapakanan talaga ng mamayan ha, baka sa bulsa ng iilan mapunta.

Patuloy na Magmamatyag,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *