Kadiring Presidente!

Dear President Duterte,

Kahapon sa Anniversary ng BIR, tinalakan niyo si Pnoy, sabi niyo “gago” si Pnoy. Ang pinagpuputok ng butse niyo pala kasi sinabihan kayo ni Pnoy na parang walang nangyari sa kampanya niyo sa droga. Bakit po kayo magagalit, eh totoo naman po di ba?  Una sabi niyo 6 months wala na. Sa kaliwat kanang patayan, 9000-12000 deaths,  sa bawat talumpati niyo lagi niyo pa ding sinasabi na madami pa ding adik, so paano niyo masasabi na nagtagumpay kayo?  Ang pagsabi niyo po ng gago kay Pnoy ay reflection po kung anong klaseng pagkatao meron po kayo. 😒

Sa nangyayari sa bansa natin ngayon, kung may gago man dito hindi si Pnoy yun.

Tapos puwede ba bawasan niyo po ang pagiging balahura. Tingnan niyo tong sinabi niyo.

Anong koneksyon ng BIR anniversary sa pag masturbate niyo ni Secretary Dominguez?  Kadiri po kayo. Hindi na nga presidentiable kung paano kayo manamit, sabayan pa ng balahurang pananalita, pinakyaw niyo na po lahat.

Bigyan niyo naman po ang bansa ng kaunting kahihiyan.

Ang pagiging balahura ay hindi po ginagawang hobby at hindi rin ito maipagmamalaki. Presidente pa naman kayong naturingan. Puwede naman magpakatotoo na hindi bastos eh.

BIR anniversary, ang usapan pag “lo-lo”? Grabe.

Nandidiri sa Matandang Manyakis,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *