Kabataan, Lumalaban Para Sa Katotohanan

Dear KaPAB,

Naalala niyo po ba noong sinabi ko sa inyo na yung paglaban sa fake news gagawin kong offline and online? Madami na din po akong napuntahang mga school at groups kung saan nagcoconduct po ako ng workshops.

Kahapon po ang pangalawang out of town po. Una po kasi yung sa Alaminos, Pangasinan.

Kahapon po sa Nueva Ecija. I travelled 5 hours then conduct the workshop on “How to fight fake news?”

Nakakataba ng puso na ang simbahan at kabataan ay tulong tulong sa paglaban sa fake news. 40-50 participants ang gustong magkaroon ng social media na free from fake news.

Nakakatuwa na pati ang mga pari at simbahan ay gumagawa ng paraan para labanan ang fake news sa pamamagitan sa pagkakaroon ng workshop na ganito.

May grupo po na Fact Check Philippines. Sumali po ako sa kanila para mas marami pa pong matulungan maeducate ang mas maraming tao para labanan ang fake news.

Sa San Jose City, Nueva Ecija pinangunahan ni Father Louie Cañiza at Mr. Oscar Tambalque. Maraming maraming salamat po sa certificate na to.

May bago na naman tayong truth warriors na lalaban sa fake news. Tulong-tulong po tayong linisin ang social media sa fake news. Worth it ang halos 10 hours na biyahe kasi madami ang natulungan.

Indeed, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

Mabuhay Diocese of San Jose, Nueva Ecija!

Humahanga ng Sobra,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *