Kabataan Ang Pag-asa Ng Bayan

Dear KaPAB,

Noong June 12-13, nasa Naga City ako. They invited me to conduct workshop para malabanan ang fake news.

Kung dati ang mga kaparian ang nag-invite sa akin, ngayon, sa lugar ng Naga City nagtulong tulong ang mga civil society group para hikayatin ang mga kabataan at mga pribadong individual para labanan ang fake news.

Mga restaurant nagtulong-tulong para pakainin kami. Sa “The Carmen Hotel” at sa “Avenue Plaza Hotel” kami nag stay. Dalawa sa pinakamagandang hotel sa Naga. Yung may-ari ng mga sumusunod na restaurant ang may mga mabuting puso na nagpakain sa amin.

Bob Marlin Restaurant
Krypton Grill
Bigg’s Diner
Que Pasa

Nakakatuwang isipin, na ang mga tao ngayon ay tulong-tulong na para puksain ang fake news.

Ang mga kabataan ang gagamot sa sakit na fake news na laganap sa social media. May mga binigay silang mungkahi kung paano sila tutulong sa kanilang workshop.

Dumadami na tayo sa PAB. Kasama ang mga kabataang ito kayang kaya natin sugpuin ang kasinungalingan.

 

Next stop po namin Iloilo, Tuguegarao and Samar. Sana po, mas maraming lugar pa ang maabot ng Fact Check Philippines, para mas dumami pa ang mga TRUTH WARRIORS.

Nang sinabi ko po na dadalhin ko po ang laban against fake news online and offline, tutuparin ko po yun, sa tulong ng Fact Check Philippines, matutupad po ang ating hangarin na magkaroon ng mga taong tutulong sa pagsugpo sa fake news.

Maraming Salamat po Naga City!

Nagkaroon ng Inspirasyon,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *