Justice for Carl

Dear KaPAB,

Pansamantala ilagay natin ang ating mga sarili sa pamilya ni Carl.

Isang typical na pamilyang Pinoy. Nagsumikap na para mapag aral ang anak. Siguro ang saya nila noong nag valedictorian si Carl nung elementary.

Umalis ang Ina ni Carl para magtrabaho sa ibang bansa, siguro sa kagustuhan na mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya niya. Tiniis ang lungkot at hirap sa ibang bansa.

Tapos nawala si Carl noong August 18, umuwi agad ang ina at ama na nasa Leyte. Tulong -tulong sila sa paghahanap. Isipin niyo ang pangamba na nararamdaman nila. Pagkatapos ng 10 araw natagpuan nila sa isang funerarya ang anak nila na wala ng buhay. Hindi na nila makakasama. Hindi na nila mayayakap…

Umaagos ang luha, ng ina at ama ni Carl. Sumisigaw sa habang tinititigan ang bangkay ng kanilang anak.

Ang masakit pa, pinalabas na holdaper si Carl, at nanlaban daw at nakipag barilan.

Taliwas sa autopsy report.

“Heavy torture, kinaladkad, may mga pasa at binaril ng nakaluhod.”

Kung ikaw ang Ina ni Carl, paano mo tatanggapin na walang awang pinatay ang anak mo. Maririnig mo ang kanyang pagmamakaawa, habang sinasaktan siya.

Kung ikaw ang ama, paano mo tatanggapin na ang katawan ng anak mo ay puro pasa. Binugbog muna bago pinatay .

Na maaring sa kanyang huling hininga ang katagang lumabas sa bibig niya ay “Nanay… Tatay…”

Hanggang kailan natin titiisin ang mga pangyayaring ganito? Hanggang kailan natin ipipikit ang mga mata sa madugong pagbabago na nagaganap.

DDS man o Dilawan,  or kahit ano pang kulay, kapain mo ang puso mo, tanungin mo ang isip mo, eto ba ang pagbabagong pinangarap mo? 

Naghihintay ng Kasagutan,

PAB

#JusticeForCarl

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *