Junket ni Duterte

Para sa mga Dilawan at DDS,

Magkaiba man ang sinusuportahan natin pero alam ko pag ang kapakanan na ng bayan ang nakasalalay, alam ko iisa ang nararamdaman natin.

One year ago, akala natin simple ang taong nanalo bilang presidente. Pero sa lumabas na data sa mga byahe ni Duterte, mukhang muli naloko na naman tayo.

Yes,  wala pang isang taon, ganyan na kalaki ang gastos. Para sa mga DDS maari niyong sabihin na maraming nadalang investment, pero natanong niyo na ba sa sarili niyo bakit ganyan kalaki? Alam niyo ba kung ilang libro ang mabibili sa 386.2 million?  Ilang paaralan?  Ilan ang mapapakain na mga batang lansangan?

Isipin nyo sa isang trip nila sa Qatar.

Dalawang araw lang sila doon. Ibig sabihin ang daily expenses nila at 31,000,000 plus!  Sobrang laki. Nakakaawa na ang mga taong bayan. Pera natin yan. Pang scholar na sana ng mga anak natin yan.

Lubog na tayo sa utang. Ang taas ng mga presyo ng bilihin. Traffic pa rin. Hindi pa din libre ang pag aaral sa kolehiyo ng lahat. Madami pa din ang namamatay sa lansangan. Papatawan ng tax ang remittance fee ng mga OFW.  Papatawan ng excise  tax ang gasolina. Tapos walang pakundangan gastusin ang pera ng bayan.

Tanungin niyo nga sa sarili niyo, eto ba ang ginusto niyong pagbabago? Guminhawa na ba ang buhay nyo ngayon?

Masakit isipin na pawis at pagod nang bawat Pilipino ang winawaldas na walang pakundangan ng administrasyon na to…

Kakayanin niyo pa ba, bayan ko?

Naaawa sa bansa ko,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *