Junket na Naman???

Dear Senators,

Pagkatapos ng Russia junket ni Duterte, kayo naman pala ang susunod na babyahe papuntang France. At ang  purpose ng byahe niyo is to heal the relationship of EU and the Philippines. So aminado kayo na may mali talagang ginawa si Duterte. Pero ang mahal naman ng healing na yan nine senators ang babyahe papuntang France. At oo nga pala bakit sa France? Ang EU headquarters po ay nasa Belgium.  Ano yan, pasyal pasyal muna sa Paris tapos pupunta ng Belgium?  Luh,  pera na naman ng taong bayan ang kawawa diyan. Puwede na sana relief goods sa mga taga Marawi.

Kung talagang seryoso kayo na magheal ang relationship ng EU at Pinas, di nyo na kailangan gumastos ng milyones pagpunta sa France, sabihan nyo lang ang Presidente na itigil na ang EJK at busalan niya bibig niya. Yun kasi ang nagpapahamak sa international relationship natin sa ibang bansa, ang balahura niyang bibig. At yung pera na gagastusin niyo sa byahe, ibigay nyo na lang sa mga taong nadisplace sa Marawi. Mas makakatulong pa kayo.

Magkaroon sana ng concern sa pondo ng bayan. Pinaghirapan namin yan.

Naiinis sa mga walang konsensya,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *