Judicial Independence

Dear KaPAB,

Pag usapan natin ang ang nangyari wearing of red shirt sa Supreme Court today.

May mga empleyado na nagbasa ng statement na kesyo mag resign na daw si CJ Sereno.

May rumor going around that everything was orchestrated daw by Midas Marquez via text message. Totoo man o hindi, still mali pa din.

We should encourage judicial independence. Ang judicial independence na dapat dinggin muna ang kaso bago humusga. May ongoing impeachment process na di ba? Bakit may mga call for resignation pang nalalaman? Ito ang mga importante ang pinag didesisyunan ng Supreme Court. Check this landmark decision cases at paano nagdecision si CJ Sereno.

Sa bawat decision ni CJ Sereno makikita mo talaga na sinusunod niya ang batas. At iniisip niya ang kapakanan ng bayan. Sa Marcos burial hindi sya pumayag, kasi nga naman paano naging bayani ang isang tao na nagpapatay ng libo libo at nagnakaw ng bilyones?

Check niyo din kung paano bumoto si Associate Justice Teresita de Castro. Contrast and compare.

Kaya daw magresign kasi destroying the image of the Supreme Court. Sino ba ang nagbunyag sa mga internal problema sa office? Hindi ba ang ibang Justices tapos sinabayan din ni Midas Marquez? So kung ang sumisira ay dapat magresign unahin na natin si Aling Terry at Si Mang Midas di ba?

Eto ang mga kaso nila sa impeachment case laban kay CJ Sereno.

Lahat ito ay mapapatunayan sa impeachment complaint pag umakyat sa senate. Yan ang dahilan kung bakit si Calida ay nagfile ng quo warranto. Kasi basura ang kaso nilang impeachment.

Huwag nating payagan na balahurain ng mga may maitim na hangarin ang Korte Suprema.

Let us ask CJ Sereno to hold the line and not to resign. Let us Stand with her on this fight.

I Support the Chief Justice.

PAB

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *