Joke Time Po Ba Ito, Ser?

Dear General Oscar Albayalde,

Hanggang kailan niyo po gagawin katawatawa ang department niyo para ipagtanggol lang ang presidente?

Noong nakaraang araw ang sabi mo may drugs sa Naga pero hindi naman hotbed gaya ng pinapalabas ni Duterte.

Tapos bigla po kayong nagpatawag ng madaliang presscon. Napagalitan po ba kayo? Kasi ayun po sa report ng Rappler.

Sabi niyo daw po ayon sa papel na bitbit niyo ang Naga City ay Top 5 lagi sa crime since 2017 at 2018.

Sabi niyo pa para ipagtanggol ang kasinungalingan ni Duterte may correlation ang crime rate sa drugs.

Tapos eto pala ang dala niyong dokumento.

Kuya sabi ng report sa Rappler hindi naman pala yun nakasort.

“They were not arranged based on crime volume but by region. Naga City is in Bicol or Region 5.”

Luh, fake news ka pala. Nagmukha tuloy kayong katawa-tawa. Nagpepresent ng data na hindi niyo man lang binabasa.

Kaya pala Top 5. Kasi Region 5 ang Naga City. Patawa po kayo.

Nag apologize kayo pero pinanindigan niyo pa din ang pagkakamali niyo no?

May mga hirit pa kayong ganito kahit hindi supported by data.

By the way ang Rappler na lang po ang nagsort ng dala niyong dokumento. Grabe sila oh. Bayaran niyo Rappler ha. Eto ang totoo sa Naga.

Hindi naman Rank 5, Ser. Imbento po kayo.

Mas mabuti pa po sa Davao kayo magimbestiga. Kasi oh, number 1 sila sa rape.

Yan hindi fake news yan. G na kayo, investigate agad.

Natatawa ng Slight,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *