Ito Ba Ang Sinasabi Ni Harry Roque Na Pamumulitika?

Dear KaPAB,

All hands on-deck ang mga trolls at ang ibang sa paninira kay VP Leni.

Pero sa linggong ito ang daming nagawa ng OVP na tulong.

TEACHERS

Namahagi ng mga tablets at lap tables na handog ng #AngatBuhay partners sa mga mag-aaral ng Sitio Target Integrated School sa Angeles, Pampanga, at sa Madapdap High School sa Mabalacat, Pampanga!

HEALTHWORKERS

Nagbukas ng pangatlong Oasis Project, ito ang pangatlong temporary shelter para sa mga frontliners kung saan puwede silang magpahinga at maligo muna bago sila umuwi sa kani-kanilang tahanan.

TRANSPORT GROUPS

“This is leadership and good governance. You do not only talk with the people directly but you also need to openly listen to them to know their struggles and their plight especially in these most challenging times and most importantly, you help them get through and survive.”

Eto ba ang pamumulitika na sinabi ni Harry Roque? Patuloy mang siraan nila si VP Leni, hindi nila maitatago ang katotohanan na sa gitna ng pandemya, maraming tao ang natulungan ni Busy Presidente Leni Robredo.

 

Humahanga Kay VP Leni,

PAB