Ganito ang Tingin ng Administrasyong Duterte sa mga Pilipino

Dear Atty. Salvador Panelo,

Grabe kayo makalait sa taong bayan ha. Sa kagustuhan niyong maipasa ang federalism na yan ang taong bayan ang sinangkalan niyo sa pang lalait. Resibo.

Walang aral, illiterate? Luh, grabe siya makapanlait oh. FYI, yung nilalait mo ay siyang nagpapasweldo sa yo. Karapatan naming bumoto kung anong klaseng gobyerno ang gusto namin. Kung makalait ka sa taong bayan, wagas?

Yung iba hindi man nakatapos sa pag aaral pero ramdam nila ang hirap ng buhay ngayon. Nagtataasan na ang presyo ng bilihin, tapos lolokohin niyo pa kami sa federalism na yan?

Buti nga sa inyo, at namatay ang federalism niyo sa senado. Tse!

Yamot sa Mapanglait na Butiki,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *