Ito Ang Katotohanan sa BBC Interview

Dear Ate Sass,

Hindi ko na sana sasagutin ang mga patutsada niyo po these last few days. Yung ginawa niyo sa ASEAN, nakakahiya po yun. Now, you get what you wanted nagtrending po kayo, yun nga lang for all the wrong reason. Nakita niyo po ba ang itsura niyo dito? Resibo.

Allantroy Sasot Rogando Jonathan Head | Pinoy Ako Blog

Dinuruduro niyo ang taong wala namang kasalanan? And you keep on insisting that there is a group behind me dahil nainterview ako ng BBC.

Ok po, para po sa ikakatahimik ng loob niyo, kwento ko po kung paano nagkaroon ng BBC interview.

Resibo 1

BBC Tweet | Pinoy Ako Blog

Please take note na 10AM ko napublished ang “coming out” blog ko. This tweet was buried sa thousands of tweet na natanggap ko on that day.

Resibo 2

BBC Messenger | Pinoy Ako Blog

Check the time ha. Since hindi ko sila nasagot sa tweet they messaged me at 5:54 PM. Nasagot ko sila 7:40 PM na. Kung ang inaakusa niyo po na may backer ako ay totoo, hindi ba dapat sa unang tweet palang ay nasagot ko na at pag message nila ay nakapag reply ako agad? It took 2 hours for me bago nakareply kasi nasa isang inbox ko po sya at hindi ko naman pinafollow yung taga BBC.

Resibo 3

BBC Messenger | Pinoy Ako Blog

This is the part where the BBC explained to me the reason why they want to interview me.

Resibo 4

BBC Messenger | Pinoy Ako Blog

This part, BBC are adjusting the time of the interview kasi nasa klase pa po ako noon. When they found out, they adjusted it from 9 PM to 10PM para tumama sa schedule nang pagtapos ng class ko.

Resibo 5

BBC Messenger | Pinoy Ako Blog

From 10 PM naging 10:15 PM. Kaya lang nakiusap na ako kasi sobra ang traffic talaga kasi sobrang ulan.

Resibo 6

BBC Messenger | Pinoy Ako Blog

Nasa Uber ako nito ha, she is already asking me question in preparation for the interview.

Resibo 7

BBC Messenger | Pinoy Ako Blog

This is me, giving them heads up that hindi ako ganun kagaling sa English, pero they didn’t mind. They are just REALLY looking forward to talk to me daw.

Resibo 8

BBC Messenger | Pinoy Ako Blog

This is the part na hindi na nga ako nakaabot kasi sa sobrang traffic. But then again they adjusted to accommodate my interview.

Resibo 9

BBC Messenger | Pinoy Ako Blog

If this is all orchestrated gaya ng sinasabi mo, eh di sana alam man lang ng BBC kung saang part ako ng bansa nakatira di ba?

Resibo 10

BBC Messenger | Pinoy Ako Blog

She is briefing me about the interview here. She is making sure that I am ready.

Resibo 11

BBC Messenger | Pinoy Ako Blog

Nabilang niyo po ba kung ilang beses kaming nag adjust ng oras for that interview? Sabi nga ni Ms. Agot Isidro,

Agot Isidro Tweet BBC | Pinoy Ako Blog

“If they want to talk to you, they will find you..”

Operative word, “free speech”. So now Ate Sass, may nakita ka bang Liberal Party or any group na namention sa lahat ng resibo? Wala di ba? BBC is a big company. A respectable one. Sana man lang naisip mo yun bago ka mag akusa na a certain group is influencing them.

Hindi ko kasalanan kung bakit sa kabila ng pagiging “major major” blogger mo ay hindi newsworthy ang tingin sa yo ng BBC. Kasi po ang pagiging newsworthy ay iniearn yan hindi dinedemand.

Nakakahiya kaya ang ginawa mo, you mentioned my name 22-23 times sa video na yun, and sa lahat ng post mo at interview mo, paulit-ulit mong binabanggit ang pangalan ko. Nakita mo ba sa video kung paano manlisik ang mata mo while saying

“Sass: Tell me, Mr. Jonathan, how is it possible that Jover Laurio, a very minor blogger in the Philippines, was featured by the BBC in order to defend herself against the people who outed her identity, but not someone like me whose social media following is way, way higher than her, whose Facebook engagement is way, way higher than her, and who you have even interacted on Facebook?”

Resibo.

Allantroy Sasot Rogando | Pinoy Ako Blog

That is pathetic po. Para kayong namamalimos ng interview. Magtira po sana kayo ng hiya kahit konti para sa sarili niyo po. Kadurdur.

Again po, para maging newsworthy ka, dapat pag aralan mong iearn yan, at hindi yan dinedemand.

Yamot sa Palakang Demanding pero Wala Naman sa Lugar,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *