Ito Ang Isa Sa Mga Dahilan Kung Bakit Dapat Ibasura Ang Terror Bill

Dear KaPAB,

Pagkatapos magkalat ni Mocha Uson at sinabihan ng mga terrorista ang mga nagrarally may sumunod na naman.

Ang undersecretary ng PCOO sumunod sa pagkakalat.

Pati madre pinatulan ni Lorraine Badoy. Sa lagay na ito wala pang Terror Bill ha, pero ang bilis nilang paratangan na terrorista ang mga mamamayan.

Paano na lang kung may Terror Bill na? Baka si Sister ay hinuli na without warrant at makukulong sa loob ng 24 days.

Bakit itong mga alipores ni Duterte ang bilis magparatang na terrorista sa mga ordinaryong mamamayan? Eh ang buwis ng taong-bayan ang nagbabayad sa kanila.

Hanggang ngayon kinukunsinti pa din ng rehimeng Duterte ang kalokohan ng mga alipores nila. Ito ba ang sinasabi na dapat hindi tayo matakot kung hindi naman terrorista? Eh hindi nga masaway ang dalawang ito.

Paano ito dedepensahan ni Ping Lacson? Ni Lucy Torres? Ni Sotto? For sure tatahimik lang sila.

Yamot Sa Mga Abusado,

PAB

Facebook Comments