Isasauli Na Daw Ang Pera ng Bitag

Dear Attorney Topacio,

Kaninang Umaga, eto ang pasabog mo.

So yung 60 million napunta nga kay Secretary Wanda Teo? Kasi siya ang magsosoli eh. Pero kung sa tingin mo dapat maabswelto ang kliyente mo kasi sinoli niya ang pera ng bayan, nagkakamali kayo. Bakit si Secretary Wanda ang magsosoli ng 60M? If at all, it should be the Tulfo brothers. Her act only confirms that her brothers acted as her agents, and that there’s was no arms length transaction.

Parang mali ang advice mo no? Grabe sya oh kung makalait ka kay Atty. Florin Hilbay, wagas, eh yung mga the moves mo naman pala bilang isang abogado ay palpak.

Just so you know sa RA3019 returning the money is not a defense. Hindi ibig sabihin binalik ay wala na agad kasalanan.

Tapos eto pa ang nakakatawa, since narealized mo kung gaano mo pinahamak ang kliyente mo, biglang may bagong statement ngayong hapon.

So hindi na si Secretary Wanda ang magsosoli? Si Ben Tulfo na. Hindi pa din siya abswelto kasi nangyari ang pag BITAG sa P60,000,000.00 during her watch. Pinirmahan niya ang MOA at alam niya ang company ng pamilya niya ang makikinabang. Maliwanag na may conflict of interest sa transactions.

Consummated crime na po. Returning the fruit of the crime will not erase the fact that a crime has been committed. Ano yun pag sinaksak mo ang isang tao, tapos pag hinugot mo ang patalim wala ka nang kasalanan? Nyek!

Kung ibabalik ng kliyente mo ang 60 milyon, pakisama na din ng interest.  At hindi sapat ang asawa niya lang ang mag resign, isama dapat ang kapatid niya na bastos na si Erwin Tulfo at ang kapatid niya na kahit hindi tirik ang araw ay laging naka shades na si Ben Tulfo.

At kung sakali man hindi ka bayaran sa PF mo, dapat lang. Palpak ka magbigay ng payo eh. Idiin ba naman ang kliyente? 😂😂😂

Natatawa ng Slight,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *