Isang Suhestiyon Galing sa Isang Batikang Manunulat

Dear KaPAB,

Ang daming reaction sa post na ito ng Angono Police.

 

Hindi mo masisisi ang taong bayan kasi ang mga ganitong post ang nagpopromote sa #rapeculture at #VictimBlaming.

Pero isa sa mga tumpak na suhestiyon na nabasa ko ay galing sa batikang manunulat na si Luhualti Bautista. Hayaan niyo pong ishare ko sa inyo.

Ayon sa kanya:

Sa pananaw ko, hindi naman dapat masamain ang ideyang kinamulatan—at kinatandaan—na nila… na dapat nang nabago noon pa. Tapatan ko na lang kaya nang punto por punto.ang mga payo nila?

“Payo sa Kalalakihan (para iwas-rape)”.

1. Hindi porke makikipagkita sa ‘yo ang ka-chat mo ay gusto na niyang makipag-sex sa ‘yo.. Hindi mo pa siya kakilala. H’wag kang assuming.

2. Wala kang pakialam kahit ano ang suot ng babae. Karapatan niya iyon. Ang lalaki nga, lumalabas ng bahay nang nakahubad, pinapakialaman ba ng babae? Maging makatarungan ka sa kapwa mo.

3. Karapatan ng babae ang dumaan kahit saan. May gabi ang bawat araw, at hindi maiiwasan; ang dilim.. Kung may pagka- aswang ka at mapanganib kang tao sa dilim, ikaw ang dapat lumigpit sa bahay. Ikandado ang sarili. H’wag lalabas lalo na sa gabi.

4. Kung pinapasok ng demonyo ang utak mo pag nalalasing ka, huwag kang uminom ng alak.

5. Alalahanin mo rin na ang parusa sa rape ay habambuhay na pagkakulong.

6. Tumulong kang maalis ang pangangailangan ng babae na magdala ng teargas o pepper spray, at mangyayari lang ito kung magpapakatino ang lahat ng lalaki at tutulong na bigyan ng dignidad ang kanilang sarili.

7. Last but not least, huwag makinig sa mga kalaswaan ni Duterte. Tandaan mo: ang lalaking malaswang magsalita, maaskad ang mukha.

Natawa ako sa number 7.

Sa kasalukuyan tinanggal na ng Angono Police ang post na ito at humingi sila ng paumanhin. Powerful talaga ang social media kaya gamitin natin ito sa tama.

 

Nangangaral,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *