Isang PASASALAMAT

Dear KaPAB,

By now I am sure nabasa niyo na po ang award na ginawad po ng Inquirer. Lahat po tayo na nakikipaglaban sa fake news at sa katiwalian para po sa atin ang award na yun. Kasi po #TayoSiPAB.

Marami po tayong nakasama sa award. Ang ating mga sundalo na nakipaglaban sa Marawi isa din po sila sa napili as Filipino of the Year. Resibo.

Maraming salamat po sa mga sundalo na nakipaglaban sa Marawi, pati na rin sa lahat ng sundalong patuloy na nakikipaglaban hanggang ngayon para sa kapayapaan.

Nakasama din po natin sa award si Associate Justice Carpio. Isang huwarang Filipino na pinaglaban ang ating karapatan sa teritoryo natin West Philippine Sea. Salamat po sa pagmamahal sa bayan.

Nakasama din po natin sa award si Sister Juanita Daño, for initiating the documentation of 35 drug killings in San Andres Bukid, Manila, that became the basis of a petition urging the Supreme Court to issue a writ of amparo to protect the community from police harassment.” Maraming salamat po sa tapang at pagmamahal sa taong bayan.

Pero alam niyo po, ang award na ginawad ng Inquirer, ay gawad para sa lahat ng Filipino sa buong mundo. Kasi award ito sa mga lumalaban sa fake news na naging sakit na ng lipunan. Award ito para sa mga taong naghahangad ng kapayapaan. Award ito para sa mga nakikipaglaban para sa katarungan.

Hindi importante kung ilan ang boto ng bawat isa, ang importante kung ano ang pinaglalaban sa puso at damdamin ng bawat isa.

Pag ang pinaglalaban mo ay katotohanan, kapayapaan at katarungan, mararapat lang na tawagin kang Filipino of the Year.

Mabuhay po tayong lahat!

Tuloy lang ang Laban,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *