Isang Pagsubok Sa Bagong Ombudsman

Dear Ombudsman Martires,

Di ba sabi niyo po, hindi kayo magpapagamit sa politics? Huwag ideny may resibo ako.

 

Kung talagang totoo itong pinagsasabi mo, tingnan natin kung susundin mo ang illegal na order na to from Malacañang.

 

 

Alam mo sa sarili mo na illegal ito kasi walang karapatan ang executive panghimasukan ang Ombudsman kasi independent body kayo.

Alam natin na kaya lang naman ginawa ito ay dahil dito sa sinabi ni Deputy Ombudsman Carandang na nagconfirm sa expose ni Senator Trillanes tungkol sa bilyones na pera na naglabas pasok sa account ni Duterte.

 

Takot ang nag appoint sa yo sa ballpen. Takot pumirma ng waiver kaya kill the messenger na naman.

Kung talagang hindi ka magpapagamit dapat hindi mo sundin ang utos ng Malacañang kasi noong January 2014 decision on Gonzales v. Office of the President, the SC upheld the independence of the Office of the Ombudsman vis-a-vis the OP.

Pero kung susundin mo ang utos ng Malacañang, alam na natin na bulok ang sinabi mo.

Patuloy Na Magmamatyag,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *