Isang Pagpupugay

Dear KaPAB,

This week lumagpas na tayo sa 50,000 followers!  Congratulations sa ating lahat.

8 months ago nang ginawa ko ang page na to. I was not expecting na lalaki ang pamilya natin this much. Ang objective ko lang nun magkaroon ako ng outlet na mapagsasabihan sa mga hindi magandang pamamalakad ng gobyerno. Yung hindi ako matatakot na maharass ang pamilya ko at mga mahal ko sa buhay. Ang ilan sa inyo ay nakasama ko mula sa simula. Sama-sama tayong nainis, nagalit, umiyak at nagtawanan sa bawat post ni PAB. Dati nag FB live pa tayo at nakakausap ko pa kayo. Ngayon sa dami natin parang mahirap ng gawin hehehe.

Naalala ko pa nun na lagi tayong narereport, umiiyak ako nun sa inis. Kaya ako gumawa ng blog para may back up si PAB. Mabuti na lang naniwala na ang Facebook team na hindi tayo spam or fake news. Nakailang sulat din ako sa kanila.

Yung mga nagmemessage sa akin ng pasasalamat, lagi kong sinasabi na si PAB ay tayong lahat. Bawat babae o lalake, housewife man o OFW, mga professional man o estudyante, lahat ng mga Pilipino saang panig man ng mundo, kayo si PAB. Tayo si PAB.

Kaya kung may gusto kayong paimbestigahan na mga anomaly or may gusto kayong ipaalam pero takot kayong sabihin just message me po. If you also want to contribute your own stories, please send them to me via Facebook, email, or whatever.
Kung gusto niyo ng by-line, I can give it. But if you want to remain anonymous, that’s fine as well. I will try my best na gawan ng blog. Madami na din sa inyo ang nagrereport at nagbibigay ng tip, madaming salamat sa inyo po. Sana Hindi kayo magsawang manindigan para sa ating bayan.

If you want to help and keep up with all I write about, please subscribe to my email newsletter. Inaayos ko pa but I plan on sending it weekly.

Maraming salamat sa mga trolls kasi kung hindi niyo hinarass ang totoong account ko, wala sana si PAB ngayon. ­čśé­čśé­čśé

At sa mga followers at patuloy na naglalike, nagcocomnent at nagshishare kay PAB, maraming maraming salamat po!  Kapit kamay natin labanan ang fake news at mga katiwalian!

Mabuhay po kayo!

Lubos na Nagmamahal,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *