Isang Mulat na DDS

Dear Speaker Alvarez and Congressman Fariñas,

Grabe kayo no?  Tag team kayo sa pambubully kay Atty. Anderson. Sa video palang halatang pambubully ang ginagawa ni Fariñas. Ang hearing is about the management of Bureau of Custom and yet namersonal kayo ng isang babae, just because she posted in her own facebook account ng opinion niya.

 

Nasaktan si Alvarez?  Bakit naman? Masakit ba ang katotohanan? Sino ba naman ang matinong speaker na ipapadissolve ang CA kasi hindi nasunod ang kapritso niya?  Ikaw lang po Speaker Alvarez ang nakakagawa nun. Abogado pa naman po kayong naturingan pero hindi niyo po ini apply ang separation of Powers and co-equal branch of the government.

Ikaw naman Cong. Fariñas, maliwanag na pambubully ang ginawa mo, tinakot mo ang department na kesyo kayo ang gumagawa ng batas kaya gusto nyong parusahan si Atty. Anderson ni Faeldon. Ngayon pavictim kayo. Pero nung nangyari ito noon kay Ate Mocha, deadma kayo.

Ngayon nagkaalamanan na ang totoo kaya pala niyo binully si Ate Girl, kasi may gusto kayong ipagawa na illegal at hindi kayo sinunod.

Ayan oh, nagpapapromote kayo ng tao, hindi naman pala qualified tapos kung hindi kayo sundin mamemersonal kayo?  Hay naku, buti na lang Atty. Anderson stood her ground.

Maraming mga imbecile sa mundo, yung mga tuta na sunod ng sunod sa amo kahit mali ang tinuturo, imbecile yun. Yung mga lalakeng babaero kahit matino ang asawa, imbecile din yun. Yung mga nambubugbog ng asawa yun imbecile din yun. At higit sa lahat yung mga taong ginagamit ang pera ng bayan para igastos sa kabit niya, yun pinaka imbecile din yun.

As I said, if the shoe fits, feel free to wear it.

Galit sa Babaerong Imbecile,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *