Isang Kahilingan Kay CJ Sereno

Dear Chief Justice Meilou Sereno,

Belated Happy 58th birthday po.

Naiintindihan ko po kung medyo nagdadalawang isip po kayong tumakbo bilang isang senador. Magulo naman talaga ang pulitika. Yung nangyari po sa inyo, pulitika talaga ang dahilan noon. Maiintindihan ko po kung pipillin niyo na lang mag private practice at mamuhay ng tahimik kasama ang inyong pamilya. Iwas intriga tapos hindi po kayo masasaktan.

Pero sana po mapakinggan niyo po ang mga dahilan kung bakit kailangan kayo ng taong bayan sa Senado.

1. Ma’am, kaliwa’t kanan na po ang pinapatay sa araw-araw. Alam ko po na pag kayo ay nasa Senado na, magiging priority niyo po ay ang pag galang sa karapatang pantao ng bawat Pilipino. Kasi po nanindigan po kayo against extrajudicial killings noong nasa Supreme Court pa po kayo.

2. Sobrang corruption na po ang nangyayari sa gobyerno. Walang pakundangan nilang ginagastos ang pera ng bayan. Minsan mo nang nilinis ang Supreme Court sa corruption noong ikaw ay nanunungkulan pa, alam ko pag Senador na kayo iingatan niyo ang pera ng bayan at tututulan niyo ang anumang uri ng corruption.

3. Nakita ko po kung anong klaseng Faith kay God meron ka, alam ko po, hindi niyo gagayahin ang ibang senator na nakaupo ngayon na hindi man lang maipagtanggol ang Diyos sa kabastusan ni Duterte. Alam ko po you will call out Duterte and defend our Faith and our God.

4. As a woman, pinakita niyo po sa amin kung paano magiging matatag sa gitna ng laban. Pinakita niyo po sa amin, kung paano lumaban ng marangal. Isa po kayong magiging magandang halimbawa sa mga Pilipino.

5. Your project sa  Supreme Court kung saan mas pinabilis pa ang pagprocess ng mga kaso at yung Ecourt ay isa sa mga programang tumutulong sa mga Pilipino. Alam ko po mas madami pa po kayong magagawang panukala pag naging Senador na po kayo.

Alam ko mahirap po ang susuungin niyong panibagong laban, pero sana po pag-isipan niyo po ang panibagong hamon ng bayan.  Asahan niyo po gaya sa nauna niyo pang laban, patuloy po kami ng susuporta sa inyo.

Kapit-bisig po tayo papunta sa Sereno 2019.

Isang Supporter,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *